top of page

Divine Mercy

Ang imahe ni Hesus nang magpakita Siya kay Sr. Faustina ay nakaputi at nakataas ang kanyang kanang kamay na tila nagbabasbas. Ang Kanyang kaliwang kamay naman ay nakaturo sa may bandang puso kung saan nagmumula ang 2 sinag, isang pula at isang puti. Sa imahe ay makikita ang mensaheng "Jesus, I trust in You." 

 

Ang sabi ni Hesus, ang sinumang taimtim na magdasal sa Kanya bilang Hari ng Banal na Awa ay magwawagi sa kanyang mga kaaway lalo na sa oras ng kamatayan. 

IMG_5590.JPG
IMG_5591.JPG

Inaanyayahan tayong magdasal sa Divine Mercy tuwing alas-3 ng hapon, ang oras ng Kanyang kamatayan.  

Pumanaw Ka, Hesus, subali’t ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa, para sa aming lahat, ako ay nananalig sa  Iyo.

Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) Amen

 

O Hesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo.

---------------------

You expired, Jesus, but the source of life gushed forth for souls and the ocean of mercy opened up for the whole world. O Fountain of Life, unfathomable Divine Mercy, cover the whole world and empty yourself out upon us. O Blood and Water which gushed forth from the heart of Jesus as a Fountain of Mercy for us, I trust in You! 

Holy God, Holy Mighty One, Holy Immortal One, have mercy on us and the whole world. (3 times) Jesus, King of Mercy, we trust in You!

I-download ang Chaplet to the Divine Mercy dito👇👇👇

bottom of page