top of page

Ina ng laging saklolo

Ito ang imahe ng Our Lady of Perpetual Help o Ina ng Laging Saklolo. Isa ito sa mga pinakapipitaganang imahe ni inang Maria. Karaniwang iniuugnay and debosyon at pagnonobena sa kanya tuwing Miyerkoles. Sa lalim ng pagpupugay natin sa imaheng ito ay makikita ang mga replica ng larawang ito sa maraming simbahan at mga tahanan. 

 

Nawa ay dalhin ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo ang ating mga panalangin sa kanyang Anak na si Hesus.

​

Our Lady of Perpetual Help Symbols.jpg

PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT 

Panginoong Hesukristo, pinasan Mo ang aming mga tiisin * at dinala Mo ang aming mga dalamhati upang Iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis at ng pangangailangan ng tao ng Iyong tulong. Magiliw Mong dinggin ang aming mga panalangin para sa mga minamahal naming may sakit lalo na... (manahimik sandali at alalahanin ang mga maysakit na mahal sa buhay) Ipagkaloob Mo sa kanila na labis na nahihirapan dahil sa dinaranas nilang mga sakit at karamdaman ang iyong mapaghilom na lakas at kalinga. Ibalik mo sa kanila ang kalusugan ng katawan at kaluluwa upang sila ay muling makapaglingkod sa iyo at sa kapwa. Amen. 

​

*Hango sa nobena ng Ina ng Laging Saklolo.

bottom of page