top of page
Search
  • Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita sa Panginoon


Ipinagdiriwang natin ngayon ang 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝗻𝗻𝘂𝗻𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼 𝗗𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 

𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻. Karaniwan itong ginugunita ng Marso 25 ngunit kung papatak ang ang petsang ito sa mga Mahal na Araw ay inililipat ito sa ikalawang lunes mula sa Pasko ng Pagkabuhay. Magalak dahil 9 na buwan mula ngayon ay ipagdiriwang natin ang Pasko! 🎄✝️


📖 Pagbasa: Lucas 1:26-38


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”


“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”


Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


😇 Kahit natakot si Maria nung una ay naging mabilis din ang kanyang pagtugon, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinasabi.”


🙏 Ipagdasal natin na nawa, tulad ni Maria, tayo ay handang tumugon sa ating Ama kapag tayo ay tinawag Niya. Amen. 


🏃🏽‍♂️‍➡️ Sariwain natin ang mga masasayang tagpo sa buhay ni Maria at ni Hesus sa pamamagitan ng pagdarasal ng Rosaryo. 🤲


Gamitin ang gabay mula sa link na ito👇

78 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page